Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na ipagpaliban ang dagdag kontribusyon sa Social Security System (SSS) sa ilalim ng State of Calamity.
Noong May 26, 2021 nilagdaan ng Pangulo ang batas.
Sa ilalim ng Republic Act 11548, inamiyendahan nito ang section 4(a)(9) ng RA 11199 o Social Security Act of 2018, na nagpapahintulot sa Social Security Commission, ang governing body ng SSS na ipatupad ang contribution rate increase.
Dahil dito, maaari nang palawigin ni Pangulong Duterte ang pagpapaliban sa SSS contribution hike sa susunod na anim na buwan alinsunod sa rekomendasyon ng Social Security Commission.
Batay sa section 4(a)(9) ng Social Security Act of 2018, ipinapatupad ang one-percent contribution increase sa SSS members kada dalawang taon simula 2019 hanggang 2025.
Ibig sabihin, ang contribution rate na 12% sa 2020, tataas ng hanggang 13% noong Enero 2021.