Friday, March 6, 2026

Batas para sa pagpapalawig ng EDCOM 2, pirmado na ni PBBM

Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mandato ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 ng karagdagang dalawang taon upang maipagpatuloy ang mga reporma sa sektor ng edukasyon.

Batay sa Republic Act 12315 na nilagdaan noong Marso 4, magpapatuloy ang komisyon sa pananaliksik, konsultasyon, at pagbabantay sa pagpapatupad ng National Education at Workforce Development Plans.

Makikipag-ugnayan ang EDCOM 2 sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Social Welfare and Development (DWSD), Department of Health (DOH), Kongreso, at iba pang ahensya upang matiyak na tumutugma ang mga programa sa edukasyon sa pangangailangan ng mga estudyante at ng workforce.

Tututok din ang komisyon sa mga reporma sa kurikulum, paraan ng pagtuturo, at assessment systems upang mapataas ang kalidad ng edukasyon at umabot sa pandaigdigang pamantayan.

Kasama rin sa kanilang pag-aaral ang pangmatagalang solusyon sa kakulangan sa pasilidad, kagamitan, at pagsasanay ng mga guro at school leaders, pati ang paggamit ng teknolohiya tulad ng AI, digital, at green innovations sa edukasyon.

Facebook Comments