Batas Trapiko, Pinaiigting!

Baguio, Philippines – Ilang indibidwal ang nahuli sa tatlong magkakasunod na isinagawang pagsita sa mga lumabag sa inisyung Direktiba ni Police Regional Office Cordillera (PROCOR) Direktor Brigadier General, Israel Dickson.

Para sa lahat ng provincial, munisipalidad, at sa lahat ng City Police Stations para ipatupad ang batas sa Transportasyon at traffic rules kung saan binigyan ng diin ang overloading at pagdagdag ng sakay para matulungan at matiyak ang kaligtasan ng publiko sumasakay.

Sa isinagawang checkpoint naman ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 10 sa Lungsod, kung saan ipinatupad ang paghuli sa mga lumalabag sa Batas trapiko at ordinansa, tulad ng speeding, mga overloading violations at iligal na paggamit ng sirena at blinkers. 


Isang truck driver na taga-Nueva Vizcaya ang nahuli para sa kaso ng overloading, kaso naman ng overloading ang dahilan ng pagkahuli sa apat na taxi drivers sa magkaibang operasyon naman ng City Mobile Force Company na pinamumunuan naman ni Police Lieutenant, Ronaldo Trinidad.

May nahuling dalawa indibidual para sa overloading at isa ang nahuli dahil sa hindi pagsuot ng helmet sa isinagawa ding checkpoint naman ng Lamut Municipal Police Station (LMPS), gabi ng Enero 19, 2020, lahat ng nahuli ay binigyan ng Traffic Citation tickets.

Ang pinaigting na kampanya laban sa overloading ay ginawa para masiguro na lahat ng sasakyan sa checkpoints na nag-aangkat ng pagkain at nagsasakay ng ilang indibidwal, ay para maka-iwas sa pagbigat ng sasakyan na maari ding maging dahilan ng aksidente.

iDOL, sana laging sakto lang ang mga sakay natin o di kaya nama’y karga sa ating sasakyan.

Facebook Comments