Batayan ni Robredo na gawing health- based approach ang kampanya kontra iligal na droga, hinihingi ng kamara

Pinaglalabas ni House Spekaer Alan Peter Cayetano si Vice President Leni Robredo ng detalye sa rekomendasyon nitong gawing health-based approach ang kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon kay Cayetano, dapat ilabas ni Vice President Leni Robredo ang mga programa niya gamit ang health-based approach bago nito punahin ang pamamaraan ng administrasyon sa war on drugs.

Punto pa ng House Speaker, madaling magsabi at madaling mamuna ng programa gamit ang mga “flowery statements” gaya ng binanggit na health-based approach ng pangalawang Pangulo.


Aniya, karaniwang ginagamit sa ibang bansa ang health based-approach sa pagtugon sa mga organic type ng droga gaya ng Marijuana, Morphine at Coccaine na hindi nagdudulot ng “violence” sa mga drug users na ibang iba naman sa kaso ng mga gumagamit ng shabu dito sa Pilipinas.

Facebook Comments