Bato Dela Rosa, handang dumalo ng seminar sakaling maging senador

Courtesy from Ronald "Bato" Dela Rosa facebook page @OFFICIALPAGEofRonaldBatoDelaRosa

Inamin ni Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na handa siyang dumalo ng seminar kung sakaling matuloy na ang pagkapanalo bilang senador.

Sa higit 18 milyong boto, isa si Dela Rosa sa mga nangunguna sa senatorial race ayon sa partial results ng eleksyon na inilabas ng Commission on Elections nitong Miyerkules ng umaga.

Sa kaniyang pahayag sa interview sa CNN Philippines, sinabi ni Dela Rosa na siya ay magtatanong kina Senador Koko Pimentel at JV Ejercito kung ano ang mga trabaho ng isang senador at paano gumawa ng batas.


“Ewan ko kung meron bang seminar d’yan, or ano bang training d’yan para matutuhan ko kung paano gawin ‘yung batas, kung paano gawin ‘yung trabaho sa Senado. Kung merong gano’n I’ll take that opportunity para matuto ako,” pahayag ni Dela Rosa.

Sinabi niya ring hindi siya makakadalo kung ang seminar kung gaganapin ito sa University of the Philippines dahil sa ito ay ‘anti-police’ at ‘anti-military’.

Sa kaniyang kampaniya, inamin niyang wala pa man siyang karanasan sa kahit anong legislative work  ngunit magagamit naman niya kaniyang karanasan sa bilang ‘law enforcer’.

Dagdag pa niya, handa naman siyang gumawa ng batas para sa seguridad, at peace and order.

Agad na umani ng batikos sa social media ang kaniyang  pahayag.

Facebook Comments