Bato Dela Rosa, inaming hindi ‘clueless’ sa rules at procedures sa Senado

Courtesy of Ronald "Bato" Dela Rosa Official Facebook Page

Pinahayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na baka hindi niya kailanganing umattend pa ng seminar ayon sa kaniyang interview sa CNN Philippines’ The Source.

Inamin niya ring hindi siya ‘completely clueless’ sa pagsasagawa ng batas at sa mga rules at procedure ng Senado dahil siya ay nakapagtapos at mayroong master’s degree sa public administration at Ph.D sa development administration sa University of the Southeastern Philippines sa Davao City.

Ayon sa kaniya, binabasa niya ang libro ng Rules of the Senate kung may bakanteng oras.


Ngunit hindi rin naman tinatanggihan ni Dela Rosa kung sakaling kailanganin niya pa ring mag-enroll o umattend sa seminar.

“Kung makita ko na bastante na ito, substantive naman ito sa lahat ng gusto kong malaman, baka hindi na ako mage-enroll. Pero kung tingin ko kailangan pa, then why not?” aniya.

Nauna nang binanggit ni Dela Rosa sa isa pang interview pa sa CNN Philippines nitong nakaraang linggo kung pwede siya umattend ng seminar tungkol sa pagsasagawa ng batas.

“Hindi kailangan magmayabang ka porque Ph.D. graduate ka. Sabihin mo, ‘I know everything dahil Ph.D. graduate ako.’ That’s the highest level of education. Alam mo, ‘yung learning process is a day to day basis. You should not stop learning,” dagdag niya.

Facebook Comments