Dagupan City – Inapruhan na ng City Council ng Dagupan City ang draft Ordinance No. 0671 na kung saan naglalayon na protektahan ang kababaihan sa lungsod laban sa street harassment.
Sakop ng Ordinansa ang ang cat-calling, pagsipol , malaswang pagtitig, stalking,paghipo,sexual jokes at iba pa. Ang nasabing ordinansa. Ayon kay Councilor Maybelyn Fernandez nais umano ng city council na na maging ligtas ang kababaihan sa mga pampublikong lugar sa Dagupan. Ang mahuhuling lalabag ay may karampatang multa at community service.
Ang sinumang kababaihan ang nakakaranas ng karahasan ay maaring magsumbong sa Public Order and Safety Office (POSO) PNP Dagupan, sa city government anti bullying hotline or child protection hotline 0933-378-8888 o sa Women Protection Hotline 0947508888.
Nakatakdang magkakaroon ng information campaign kapag ito ay naaprubahan na.
BAWAL ANG BASTOS | Pagbabawal sa pagispol sa Kababaihan sa Dagupan City, isinusulong!
Facebook Comments