Ipinaalala ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi sa mamamayan ng lungsod ang umiiral na ordinansa kaugnay ng pagbabawal ng mga paputok ngayong holiday season lalo na sa Pasko at pagsalubog ng bagong taon.
Ayon sa ordinansa, hindi lamang pagpapaputok ng fireworks at firecrackers ang mahigpit na ipinagbabawal subalit maging ang distrubusyon ng mga ito.
Maging ang simpleng pagta-transport lamang ng mga paputok sa teretoryo ng Cotabato City ay bawal din.
Base sa City ordinance no. 2144, series of 2003, ipinagbabawal ang paggawa, pagbibenta, pag-iingat at paggamit ng firecrackers sa Cotabato City.
Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng lungsod mula sa disgrasyang maaring idulot ng mga paputok.(Daisy Mangod)
Bawal ang Paputok sa Cotabato City!
Facebook Comments