Mabait, Mabuti, Mapagkalingang Filipina Nurse – Nakatanggap ng 60-M Dollar na Pamana Mula sa Among American

117

Pinay nurse, pinamanahan ng $60-M ng kanyang among Amerikano *by* Oliver Natividad <www.blogger.com/profile/06149106996407626384>*on* 7:14 AM <www.thedailysentry.net/2019/11/pinay-nurse-pinamanahan-ng-60-m-ng.html> *in* News <www.thedailysentry.net/search/label/News> shared from www.thedailysentry.net/2019/11/pinay-nurse-pinamanahan-ng-60-m-ng.html?fbclid=IwAR02LKSKRPf1CIHIFUrvmJmhv6QfCMqrXVy8Ci_VjQLpmX6pAChDoz4F4q8 Isang Pinay nurse ang pinamanahan ng $60 million dollars na halaga ng pera at ari-arian ng kanyang naging amo sa Amerika, katumbas ng dalawang bilyong piso sa halaga ng pera sa Pilipinas.
Taong 2011 ng bawian ng buhay ang Amerikanang si Huguette Clark na isang anak ng senador at may-ari ng isang minahan.
Dahil walang anak si Clark, napagdesisyunan nitong hatiin ang kanyang pera at ari-arian sa kanyang mga nurse at aid.
Isa sa mga sinwerte ang nurse na si Gicela Oloroso na taga Sapian Capiz, Philippines.
Napag-alaman bago pa maging nurse si Oloroso ay mayaman na ang kanilang pamilya, kung kaya naman karagdagang blessings daw ang pamana ng kanyang amo.
Napasama naman si Oloroso sa inilabas na libro tungkol sa buhay ni Clark na pinamagatang “Empty Mansion” na sinulat ni Bill Dedman at Paul Newell, Jr.
Taong 1972 nang mamasukan ang 22 taong gulang na si Oloroso bilang nurse sa Amerika at walang kamalay-malay sa naghihintay na swerte mula sa kanyang magiging amo.
Ayon sa balita, nakapangasawa ni Oloroso sa New York ng isang Israeli na ang relihiyon ay Orthodox Judaism kung kaya naman nagpalit si Oloroso ng pangalan bilang Hadassah Peri.
Matapos siyang ikasal sa Israeli ay na-assign si Oloroso bilang isang private nurse ni Clark, isang 82 year old na Amerikana na naka-undergo para sa operasyon sa kanyang karamdaman.
Naging matagumpay ang planong operasyon para kay Clark at nabuhay ito hanggang edad na 104.
Itinuring na isang kapamilya ni Oloroso si Clark at maging ang kanyang day off ay ginugugol nito para alagaan ang kanyang amo.
“For many years (Oloroso) worked for Huguette from 8 am to 8 pm, 12 hours a day, seven days a week, 52 weeks a year. She was up and out of the house before children left for school and home close to bedtime,” ayon sa sinulat ng author sa librong “Empty Mansion”.
Dahil sa ipinakitang ginintuang kalooban ni Oloroso, pinagkalooban siya ng amo niya ng pitong bahay na ang dalawa dito ay mayroong magagarbong apartment.
Bukod pa dito ay pinag-aral din ni Clark ang tatlong mga anak ni Oloroso sa mga pribadong eskwelahan, at pinag-aral din ng ibat-ibang propesyon ang mga bata bata.
“She paid for twenty years of schooling for the three Peri children.. for their medical bills, piano lessons, violin lessons, and Hebrew lessons, their basketball and summer camps in upstate New York. When Peris had some trouble with back taxes, she paid for the as well,”
Ang kabutihang loob ng amo ni Oloroso ay talagang hindi matatawaran at habambuhay itong magpapasalamat ang pagiging pagkamapagbigay niyang amo.

Facebook Comments

From Advertisers