BAWAL ANG TIWALI | PRRD, bubuo ng govt procurement panel

Manila, Philippines – Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng bagong lupon na tututok sa procurement ng goods at services.

Ito ay bahagi ng hakbang ng punong ehekutibo na puksain ang katiwalian.

Ayon sa Pangulo, magtatalaga siya ng limang maaasahang tao sa bubuoing grupo para ipatupad ang sistema ng ‘check and balance’ sa mga transaksyon na ginagawa ng mga ahensya ng gobyerno.


Aniya, ang masusing pagbabantay sa government purchases ay makatutulong na maiwasan ang ghost deliveries at maling paggamit ng Special Allotment Release Orders (SAROs).

Hinihintay na lamang niya na magretiro ang ilang tao mula sa serbisyo na kanyang itatalaga sa grupo.

Gusto ng Pangulo na italaga ay mga military officials dahil sumusunod ang mga ito sa mga kautusuan.

Facebook Comments