Manila, Philippines – Bawal maginuman sa loob ng mga Police station o kampo ng pulis para sa mga gaganaping Christmas party.
Ito ang babala ni PNP Chief Police Director general Oscar Albayalde sa harap ng inaasahang kaliwat kanang Christmas party sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.
Ayon kay Albayalde, walang problema kung magpa-party sa loob ng mga Police Stations at kampo ng pulis pero dapat walang magaganap na inuman.
Hindi raw maganda tingnan kung may makikitang may mga nagiinuman sa loob ng mga police stations at kampo.
Mahigpit rin ang paalala ni Albayalde sa kapwa nito mga pulis na bawal magsolicit para lamang maging magarbo ang Christmas party.
Ito aniya ay paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.