R1AA MEET 2023, MATAGUMPAY NADINAOS

Matagumpay ang naging pagtatapos ng Region 1 Athletics Association Meet 2023 o ang R1AA sa bayan ng San Carlos na nilahukan ng halos anim na libong mga atleta mula sa iba’t ibang Schools Division Office sa buong Region 1.
Matatandaang pinaghandaan ito ng San Carlos City Schools Division Office katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Carlos at iba pang line agencies bilang sila ang host ng naturang sports event, at upang masiguro ang isang “Magical R1AA” laan para sa mga batang manlalaro.
Pinasalamatan din ang mga ahensyang umantabay sa seguridad, kaligtasan at kapayapaan nang ginaganap ang iba’t-ibang mga palarong nilahukan ng mga bata.

Samantala, sa huling resulta ng tally ng mga laro na pinagtagisan ng mga atleta mula sa labing-apat na SDO ay nasungkit ng Pangasinan II ang unang rank, na may 91 na gold, 56 na silver at 67 na bronze. Sinundan naman yan ng SDO Ilocos Norte, at pangatlo ay ang SDO Laoag, pang-apat sa listahan ang SDO Pangasinan II at panglima ang SDO Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments