BAWAL NA | Total mining ban sa Itogon, Benguet, simula na ngayong araw!

Itogon, Benguet – Epektibo na ngayong araw ang total mining ban sa Itogon, Benguet.

Kasunod na rin ito ng nangyaring landslide sa isang minahan sa Barangay Ucab sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Babala ni Itogon Mayor Victorio Palangan – paparusahan ang mga mining operator na lalabag sa total ban.


Samantala ngayong araw, inalis na sa ground zero ang mga heavy equipment matapos na itigil na ang search and retrieval operations sa lugar.

Ayon kay Office of Civil Defense-CAR Director Ruben Carandang – masyado nang delikado kung itutuloy pa nila ang paghuhukay sa paanan ng landslide dahil posible itong magdulot ng panibagong pagguho ng lupa.

Nahukay na rin nila ang lahat ng lugar sa ground zero na pinaniniwalaang may natabunang tao.

Umabot sa mahigit 60 ang bilang ng mga nakuhay na bangkay habang apat pa ang nawawala.

Facebook Comments