BAWAL YAN! | 5 huli sa pagtatapon ng basura sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado sa magkahiwalay na lugar ang limang tao matapos magtapon ng basura sa Maynila.

Kinilala ang mga ito na sina Ferdinand Meneses, Cristina Sarmiento, Eduardo Pobocal, Reynante Albarando at Virgilio Capulong pawang mga residente ng Tondo.

Ayon sa mga awtoridad, naaktuhan nila mismo ang lima nagtatapon ng basura sa Juan Luna Street, Tondo at sa Severino Street sa Sta. Cruz.


Nakatakdang sampahan ang lima ng paglabag sa City Ordinance 1158 o Illegal Disposal of Garbage.

Facebook Comments