REQUEST | Jessy Mendiola, may kahilingan sa mga kaibigang lalaki

Manila, Philippines – May request ngayon ang actress na si Jessy Mendiola sa mga kaibigan nitong lalaki na nais magpakuha ng picture na kasama siya.

Say ni Jessy, huwag na daw hawakan pa ng mga friends niyang male ang kanyang baywang kung magpapa-picture sila dahil nakakabastos daw ito kung bigla na lamang gawin.

Dagdag pa ng aktres, maari lamang gawin ito kapag ipinaalam ng maayos para naman daw hindi siya nagugulat at hindi lumalabas na cheap ang itsura niya.


Reaksyon ito ni Jessy nang minsan siyang magpa-picture sa isang male friends pero hindi naman niya idinetalye pa kung sino ang tinutukoy nito.

Dahil dito, ilan sa mga netizen ang nagsasabing puno ng arte sa katawan ang aktres at kung ayaw daw nitong madikit sa mga male friends ay magpa-picture na lang daw siyang mag-isa.

Facebook Comments