
CAUAYAN CITY- Nagpatupad ng bawas singil sa kuryente ang Isabela Electric Cooperative-2 ngayong buwan ng Enero taong kasalukuyan.
Base sa inilabas na datos ng ISELCO-2, ang singil ngayong buwan sa residential consumer ay nasa Php 8.3814/kwh, Php 7.1911/kwh sa Low voltage, Php 5.3254/kwh sa High voltage at Php 10.9665/kwh sa SPUG-Palanan.
Kaugnay nito, matatandaang nagkaroon din ng pagbawas sa singil sa kuryente ang ISELCO-1 matapos ang naitalang mas mababang generation mix mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Samantala, pinaalalahanan naman ng kooperatiba ang mga member consumer owners na maging masinop at matalino sa paggamit ng kuryente sa kabila ng pagbaba sa singil nito.