
Umaabot na sa mahigit 300 na flights ang na-stranded sa NAIA simula nang pumutok ang giyera sa Middle East.
Ayon kay Manila International Airport Authority MIAA General Manager Eric Jose Ines, nabawasan din ang mga pasaherong lumilipad at dumadating sa bansa mula sa Gitnang Silangan.
Sa kabilang dako, nagpapatuloy naman aniya ang pagpasok at paglabas ng bansa ng mga pasaherong patungo sa mga bansa sa Asya, Europa at maging sa Amerika.
Kinumpirma rin ni Ines na sa ngayon ay pumapalo pa rin sa 152 hanggang 158 thousand kada araw ang mga pasaherong dumadagsa sa NAIA terminals.
Ito ay mula sa dating 145 thousand kada araw.
Facebook Comments










