Manila, Philippines – Hindi ini-inganyo ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta sa gitna ng pagbabawal sa mga sasakyang driver lang ang sakay tuwing rush hour sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nalilipat lang kasi sa mga looban ang traffic.
Aniya, ang target nila sa pagpapatupad ng High Occupancy Vehicle o HOV traffic scheme ay carpooling para mabawasan ang volume ng sasakyan sa daan.
Pero hindi naman nila pinapayuhan aniya ang mga motorista na magsakay ng mga hindi nila kakilala.
Umapela rin si Garcia sa publiko na makiisa sa mga patakaan ng ahensya na ang layunin lang naman ay mapaluwag ang daloy ng trapiko sa mga kalsada.
Sa datos ng MMDA, 300,000 na sasakyan ang dumadaan sa EDSA kada 24 na oras at 70 porsyento nito ay driver lang ang sakay.