PINANGUNAHAN | 1st Anniversary ng PDP Cares Foundation, pinangunahan ni P-Duterte

Pasay City – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang taong anibersaryo ng PDP Cares Foundation ang humanitarian arm ng kanilang partido.

Isinabay rin sa selebrasyon ang reunion ng mga opisyal at miyembro ng partido.

Sa kaniyang talumpati sa GSIS Gymnasium sa Pasay City kinilala ng Pangulo ang mga nagawa ng PDP Cares Foundation gaya ng pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.


Sabi pa ng Pangulo, mas mahalaga ang pagkakaisa sa gitna ng ginagawang reporma ng kaniyang administrasyon.

Humingi rin siya ng patuloy na suporta sa pagtugon sa mga problema ng bansa.

Facebook Comments