Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na isa sa mga solusyon sa matinding trapikong nararanasan sa EDSA ay ang mga modernong bus.
Ipinakita ng DOTr ang modernong bus na may Euro 4 o Euro 5 na makina na mas “environment-friendly”.
Bukod sa nakababawas sa polusyon, may surveillance camera, personal TV monitor at banyo ang mga modernong bus.
Mas maluwag at angkop din umano ito para sa mga person with disability o may mga kapansanan, senior citizen at mga buntis.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Mark De Leon, kayang magsakay ng mga modernong bus ng hanggang 120 pasahero kapag pinuno ito.
Inamin naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na posibleng tumaas ang pasahe sa mga modernong bus.
Inaasahan ng DOTr na 100 porsiyento ng mga bus sa bansa ay magiging moderno na pagsapit ng taong 2020.