WALANG PINSALA | Surigao del Norte, Sultan Kudarat – niyanig ng lindol

Surigao del Norte – Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Bayabas, Surigao del Norte.

Naramdaman ng mga residente ang lindol pasado alas-7:00 kagabi kung saan may layo itong 33km hilagang-silangan ng nasabing bayan.

May lalim itong 31km at tectonic ang pinagmulan.


Samantala, niyanig din ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Palimbang sa Sultan Kudarat pasado alas-5:00 ng hapon kahapon.

Naitala ang episentro nito sa layong 77km timog-kanluran ng nasabing bayan na may lalim itong 525km at tectonic ang origin ng lindol.

Walang naitalang anumang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks ang mga nasabing pagyanig.

Facebook Comments