BAWAS TRAPIKO | Pagbabawal ng provincial bus sa EDSA, tuloy na tuloy na

Simula sa Miyerkules, August 15 tuluyan nang ipagbabawal sa EDSA ang mga provincial bus tuwing rush hour.

Ibig sabihin, ang mga provincial bus na manggagaling sa timog ay hanggang Pasay na lang pwedeng magbaba habang hanggang Cubao ang mga manggagaling sa norte.

Sa interview ng DZXL 558 kay MMDA General Manager Jojo Garcia, iginiit niya na hindi anti-commuters ang nasabing polisiya.


Katunayan aniya, layon nito na mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA na purwisyo sa commuters at mga motorista.

Paliwanag niya, kapag nabawasan ang mga terminal ng bus, mababawasan din ang mga choke point sa kahabaan ng EDSA.

Facebook Comments