NANLABAN | 2 tirador ng motor, patay sa engkwentro sa QC

72

Quezon City – Patay ang dalawang tirador ng motor matapos manlaban sa mga pulis sa Payatas Road, Quezon City.

Ayon kay Batasan Police Station Deputy Chief Sandie Caparroso, nakatanggap sila ng sumbong na may apat na lalaking nagbabaklas ng motor ng tricycle sa lugar.

Agad namang rumesponde ang mga pulis pero nang sitahin, bigla umano silang pinaputukan ng mga suspek.

Dead-on-the-spot ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang nakatakas ang dalawa pa nilang kasamahan.

Narekober pa sa bag ng isa sa mga suspek ang dalawang sachet ng shabu, dalawang kalibre 38 baril at mga gamit pambaklas ng motor.
Ayon pa sa pulisya, modus ng grupo na magnakaw ng motor sa Barangay Batasan, Payatas at Commonwealth saka ito ibebenta sa Rodriguez, Rizal.

Facebook Comments