Bayabao bridge sa Banggolo district sa Marawi, nabawi na ng militar

Manila, Philippines – Nabawi na ng militar ang Bayabao bridge sa Banggolo District sa Marawi City.

Ayon kay Lt/Gen. Carlito Galvez, Western Mindanao Command Chief – ang tulay ay kumokonekta sa kanluran at silangang bahagi ng Marawi.

Nagsilbi aniya itong encounter sites sa unang dalawang linggo ng bakbakan.


Ang Bayabao bridge ang pinakamalapit na tulay sa mga naunang lugar na idineklarang kontralado ng pamahalaan.

Patuloy ang pagpapaigting ng clearing operation at paghahanda sa kanilang final assault para tuluyan nang tuldukan ang giyera sa lungsod.

Sa huling datos ng AFP 620 terorista na ang napatay, 136 naman sa panig ng gobyerno habang halos 2,000 sibilyan naman ang nasagip.

Facebook Comments