
Aabot sa P6.4 million na indemnity o bayad-pinsala ang natanggap ng mga magsasaka sa Iloilo mula sa Department of Agriculture (DA), katuwang ang Philippine Crop Insurance Corporations (PCIC).
Ayon sa DA, aabot sa 1,500 na magsasaka na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong na mula sa Passi City.
Paliwanag pa ng DA na pawang mga magsasaka ng palay at mais ang mga benepisyaryo na napinsala ng mga nakalipas na kalamidad.
Tiwala naman ang DA, maging PCIC, na makakatulong kahit na papaano ang halagang natanggap ng mga magsasaka.
Dagdag pa ng DA na bahagi pa rin umano ito ng pagsisikap ng kagawaran upang tulungan ang mga magsasaka mula sa kalamidad.
Facebook Comments