
Nakipagpulong ang State Secretary to the Minister for International Development Cooperation and Foreign Trade ng bansang Sweden sa ilang deligasyon ng mga ahensiya sa bansa.
Kabilang ang Department of National Defense, Finance, Foreign Affairs, transportation, at Information Communications Technology (ICT) nilagdaan ng Swedfund ang isang grant para suportahan ang public transportation development sa bansa at isang technical assistance para sa subic-manila-batangas Freight Railway Project.
Pinag-usapan din ang pagpapalakas sa disaster preparedness at response sa pamamagitan ng Disaster Relief Program.
Ang Swedfund ay isang Development Finance Institution ng bansang Sweden na ang layunin ay labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na bansa.
Nakatuon ang Swedfund at ang bansang Sweden sa pagpapaunlad ng sustainable-growth at innovation driven partnership sa bansang Pilipinas.