BAYAMBANG, PORMAL NA NAIDEKLARANG ASF FREE NG D.A REGION 1

Pormal na idineklara ang Bayambang bilang African Swine Fever o ASF Free matapos dumaan sa masusing validation ng Agriculture Office ang mga lugar na napaulat na tinamaan ng virus.
Batay sa Executive Order Number. 19, series of 2022 na inilabas ng lokal na pamahalaan at pirmado ng alkalde na nagdedeklara sa bayan ng Bayambang bilang ASF Free.
Lumabas sa pagsusuri ng Department of Agriculture Regional Office I na pumasa na ito sa ng isang certification na nagtataas ng ASF status ng Bayambang mula RED ZONE patungong PINK ZONE.

Ayon sa Municipal Agriculture Office, sa PINK ZONE status ng Bayambang, hindi na ganoong mapanganib ang bayan sa ASF matapos itong mag-comply sa lahat ng requirements para sa deklarasyon ng ASF-free zone.
Nangangahulugan din ito na hindi na isasailalim sa quarantine ang lahat ng baboy na nanggagaling dito.
Sa ngayon ay pinaghahandaan ang mga regulatory measure gaya ng DA sentineling program at manumbalik ang sigla ng industriya ng babuyan. | ifmnews
Facebook Comments