DAGDAG SA PAMASAHE IPINANAWAGAN MULI NG AUTOPRO PANGASINAN; EXCISE TAX PINAPAPASUSPINDI PANSAMANTALA

Dahil sa patuloy na nararamdamang taas presyo ng petrolyo muling nanawagan ang samahan ng Alliance of United Transports Organization Provincewide o AUTOPRO Pangasinan sa mga otoridad na pansamantalang suspindihin ang ipinapataw na excise tax para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.
Saad ni Bernard Tuliao, presidente ng AUTOPRO Pangasinan, kung hindi rin lang suspindihin ang excise tax ay ibigay sana ang hirit na P5 na dagdag na pasahe.
Dagdag nito, sobra nang apektado ang kanilang sector dahil sa ilang linggo nang nararanasan ang oil price hike.

Samantala, marami pang driver sa Probinsya ang hindi pa nakakatanggap ng fuel subsidy na mula sa gobyerno. | ifmnews
Facebook Comments