Bayan ng Cabatuan, Naging Tahimik sa Pagsalubong ng Taong 2019!

47

Cabatuan, Isabela – Naging tahimik ang bayan ng Cabatuan, Isabela sa nakalipas na pagsalubong ng taong 2019 dahil sa walang naging biktima ng paputok, stray bullet o anumang insidente sa nasabing bayan.

Ito ang inihayag ni SPO4 Edwin Hernandez, ang Municipal Executive Senior Police Officer (MESPO) ng PNP Cabatuan sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan.


Aniya, pinaigting ang security measures ng lahat ng kapulisan sa bayan ng Cabatuan na nagresulta naman ng katahimikan at kaayusan ng bayan sa nagdaang holiday season.

Dagdag pa ni MESPO Hernandez na naging masipag ang lahat ng pulis sa Cabatuan sa kanilang pagpatrolya bilang dedikasyon umano sa kanilang mga trabaho.

Facebook Comments