Bayan ng Dinapigue, Isabela, Dumadaing na sa Kawalan ng Supply ng Kuryente!

Dinapigue, Isabela- Isang buwan nang dumadaing ang bayan ng Dinapigue, Isabela dahil sa kawalan ng supply ng kuryente.

Ito ang inihayag ni Mayor Reynaldo Derije ng Dinapigue, Isabela sa naging panayam ng RMN Cauayan kaninang umaga kung saan idinaos ngayon ang muling pagsasagawa ng Farmer’s Congress ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay Mayor Derije, nitong ika-anim ng Hunyo sana gaganapin ang naturang programa subalit naiurong ngayong araw upang mapaghandaan ang naturang programa ng Pamahalaang Panlalawigan na pinapangunahan nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy at Vice- Governor Antonio “Tonypet” Albano.


Isa umano sa kanyang mga ilalapit na problema sa ating gobernador ay ang kanilang kawalan ng supply ng kuryente kaya’t hinihiling nito na sana’y matugunan ng pamahalaan ang kanilang problema.

Aniya, malaking tulong umano para sa kanyang bayan kung magkakaroon sila ng sapat na supply ng kuryente lalo na sa kanilang mga kabuhayan.

Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Derije bagama’t nasa malayong lugar ang kanyang bayan ay napupuntahan pa rin ito ng Pamahalaang Panlalawigan upang abutan ng serbisyo na tulong ng gobyerno.

Facebook Comments