*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ni Mayor Faustino ‘Kiko’ Dy ng Bayan ng Echague ang posibilidad na mapabilang ang kanilang bayan sa pagiging siyudad sakaling maihain ang resolusyon sa Kongreso sa iakalwang linggo ng buwan ng enero sa susunod na taon.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan mula kay Mayor Dy, nakahanda na ang mga dokumento na kanilang ipepresenta sa unang buwan ng taong 2020 para mailakad ito sa kongreso.
Ayon pa kay Mayor Dy, nakahanda na rin ang ‘House Bill’ ni Isabela 6th District Congressman Inno Dy para sa panukalang maihanay sa pagiging siyudad ang Echague
Ilang pangunahing kailangan sa pagiging siyudad ng isang bayan ay ang Local source nito na hindi bababa sa 200 Million kada dalawang (2) taon at sukat ng lupain o dami ng populasyon ang isa pa pero batay sa inisyal na pagsasagawa ng inspeksyon ng LGU Echague ay umabot sa 68 hectares ang Land Area habang 10,000 lang ang requirements na hinihingi ng Bureau of Local Government Finance (BLGF).
Gayunpaman, apat na ang magiging siyudad sa Probinsya ng Isabela sakaling maaprubahan ito sa Kongreso at Senado hanggang sa mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahan naman na sa ikatlong linggo ng buwan ng enero ay sisimulan na ang pagtalakay ng resolusyon ng pagiging siyudad ng Echague.