Bayan ng Gamu, Magdedeploy ng Karagdagang Contact Tracers

Cauayan City, Isabela- Magde-deploy na ng mga karagdagang contact tracer’s ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Gamu dahil sa pagkakatala ng mga bagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Nestor Uy, mayroon aniyang labing walo (18) na contact tracers na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tutukoy sa mga nakasalamuha ng mga COVID-19 patients maging ang mga nakahalubilo ng kanilang nakasalamuha.

Bukod dito, sasailalim din sa pagsasanay ang ilang Barangay Health Worker (BHW) para sa karagdagang contact tracers.


Sumulat na rin ang alkalde sa 5th Infantry Division ng Philippine Army para sa seguridad at karagdagang pwersa para sa pagbabantay sa mga lugar na naka-lockdown.

Nananawagan naman ang alkalde sa mga kababayan na mag-ingat at sumunod sa mga ipinatutupad na protocols ng mga awtoridad.

Facebook Comments