Cauayan City, Isabela- Inatasan ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang Provincial Health Office para sa mahigpit na pagbabantay sa bayan ng Lal-lo dahil sa Local transmission.
Ayon kay Mamba, ito ay makaraang makapagtala ng 6 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang ang dalawa rito ay pawang ikinokonsiderang local transmission dahil sa kawalan ng basehan ng kanilang pagkahawa at wala namang travel history sa may mga kaso ng virus.
Umaasa naman ang gobernador na tuluyan ng macontain ang pagkahawa ng ilang miyembro ng kapulisan sa Tuguegarao City sa COVID-19.
Samantala, ipinunto ng opisyal sa publiko na mga nagnanais na magtungo sa probinsya na mangyaring magpresenta lang ng mga kaukulang dokumento gaya ng medical certificate at travel pass bilang bahagi ng mahigpit na polisiya na ipinapatupad ng lalawigan.
Nananatili naman na wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng virus ang bayan ng Sta. Praxedes, Aparri, at Sta. Teresita.
Tiniyak naman nito ang patuloy na paghahatid ng serbisyo publiko sa Cagayano sa kabila ng nararanasang krisis ng pandemya habang kinakailangan din na balansehin ang sitwasyon ng ekonmoniya sa lalawigan.