Bayan ng Naguilian, Isabela, Target Maideklarang Drug Cleared Municipality!

Naguilian, Isabela – Target na maideklarang Drug Cleared Municipality ang Bayan ng Naguilian, Isabela sa buwan ng Hunyo taong kasalukuyan kaya puspusan ang isinasagawa ng mga otoridad na kampanya kontra droga.

Ito ang ibinahagi ni Police Captain Maryjane Cuntapay Sibbaluca Deputy COP ng PNP Naguilian, Isabela sa eksklusibong panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya sa programang sentro serbisyo.

Ayon kay PCapt. Sibbaluca, nasa kabuuang 25 barangay ang sakop ng nasabing bayan na sa ngayon ay mayroon ng limang drug free at siyam na drug cleared barangay.


Kinabibilangan ng Drug Free Barangay ang Brgy. Aguinaldo, Bagong Sicat, La Union, Manaring at Sto. Tomas habang ang Brgy. Burgos, Cabaruan, Flores, Mansibang, Rang-ayan, Rizal, Sunlife, Tomines at Brgy. Villapaz ay mga Drug Cleared Barangay.

Aniya, mayroon pang natitirang labing isang barangay na sa ngayon ay kasalukuyan ng pinoproseso at hinihinitay na lamang ang pasukan ng mga bata para sa kanilang Bisita Eskwela.

Samantala, nasa apat na drug surrenderee ang kasalukuyang sumasailalim sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP) ng nasabing bayan at isa ay nasa rehab center na.

Facebook Comments