Bayan ng San Enrique, Iloilo, magtatangkang gumawa ng world record bilang pinakamalaking human Philippine flag kasabay ng pagdiriwang ng Philippne Independence Day sa Lunes

Iloilo, Philippines – Tatangkain ng bayan ng San Enrique, Iloilo na makagawa ng world record bilang iloilo’s largest human philippine flag sa darating na Hunyo 12 kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng Independence Day.

Ayon kay Dr. Jose Patubo, tourism officer ng San Enrique, Iloilo na layunin nito na ma-develop ang spirit of nationalism at patriotism sa lahat ng mga Pilipino.

Mahigit anim na libo (6,000) ang nag-signify na sasali sa largest human Philippine flag ngunit patuloy pa rin sila sa pag-anyaya sa lahat na sumali at makiisa sa naturang aktibidad.


Kailangan lamang na magsuot ang mga sasali ng damit na kulay pula, asul, puti at dilaw na siyang kulay ng ating watawat.

Magsisimula ang programa alas 8 ng umaga sa darating na Lunes sa plaza ng San Enrique.

Inaasahan ni Patubo na sa pamamagitan nito, mas makikilala pa ang bayan ng San Enrique at mapaunlad ang turismo ng naturang bayan.
DZXL558, Sonny Punay

Facebook Comments