Bayan ng Tanudan, Naitala ang First COVID-19 Death Case

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ang bayan ng Tanudan ng unang kaso ng pagkasawi may kaugnayan sa COVID-19.

Ayon sa report, isang senior citizen mula sa Barangay Mabaca ang naitalang namatay, ayon kay Municipal Health Officer Dr. Sandra Valledor

Una nang nagpositibo sa Rapid Antigen test ang pasyente at agad na isinugod sa Almora General Hospital hanggang sa nawalan ito ng malay nitong Enero 17.


Ayon pa kay Dr. Valledor, may comorbidity ang pasyente na hypertension at napag-alaman na hindi umano ito umiinom ng kanyang gamut hanggang sa maranasan ang kawalan ng malay at manghina ang katawan.

Dagdag pa dito, inilipat rin ang pasyente sa Kalinga Provincial Hospital kung saan sumailalim ito sa swab test subalit habang hinihintay ang resulta ay binawian ito ng buhay ngayong araw.

Sa ngayon, mayroong 33 na aktibong kaso ng COV ID-19 ang naturang bayan.

Facebook Comments