Bayan ng Tingloy sa Batangas, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol kagabi

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bayan ng Tingloy sa Batangas dakong 10:59PM kagabi.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim itong tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang mga sumusunod na intensity sa mga sumusunod na lugar:


Intensity IV – Tingloy, Mabini, Alitagtag, Bauan, Santa Teresita, San Luis, at Batangas City, Batangas
Intensity III – Tagaytay City, Cavite; Malvar, Taysan, Laurel, Mataas na Kahoy, Agoncillo, Lipa, Cuenca, Lemery, Lobo, Taal, San Jose, Padre Garcia, at San Pascual, Batangas
Intensity II – Tanauan City, Talisay, Rosario, Calatagan, San Juan, Balayan, and Calaca Batangas

Habang naramdaman din ang instrumental intensity II sa Calapan City, Oriental Mindoro at instrumental intensity I sa Magallanes, Cavite, San Pablo, Laguna at Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Hindi naman inaasahan ng PHIVOLCS ang makapagtala ng pinsala at wala rin itong inaasahang aftershocks kasunod ng pagyanig.

Facebook Comments