Dalawang lalaki na nagtangka raw dukutin ang isang batang babae, kinuyog ng mga tao sa Laguna

1121

Black eye at mga pasa sa katawan ang inabot ng dalawang lalaki matapos silang kuyugin ng ilang residente dahil sa pagtatangka umano nilang dukutin ang isang batang babae sa Laguna.

Batay sa ulat, papalabas ang isang menor de edad na babae sa kanilang gate sa Barangay Malamig sa Biñan, Laguna nang bigla itong hinila ng dalawang lalaki at may isa pa umanong nagsilbing lookout.

Nagsisigaw ang bata upang humingi ng tulong kaya naaleto ang mga magulang nito kaya napatakbo ang mga suspek.


Dito na nasakote ng mga residente ang dalawang kawatan at pinaggugulpi habang nakatakas naman ang isa nilang kasamahan.

Itinanggi naman ng dalawa ang alegasyon laban sa kanila at sa ngayon ay nakapiit na sila sa kulungan habang mahaharap sa reklamong forcible abduction.

Patuloy namang pinaghahanap ang nakatakas nilang kasamahan.



Facebook Comments