Bayanihan, Bakunahan drive, nagpapatuloy sa Quezon City; bilang ng nagpabakuna noong unang araw, umabot sa mahigit apat na milyon

Extended o nagpapatuloy pa rin ang national vaccination sa Quezon City.

Ito’y bilang tugon ng QC- Local Government Unit (LGU) sa apela ng national goverment nai-extend ng hanggang bukas, Disyembre 3 ang isinasagawang Bayanihan, Bakunahan.

Batay sa inisyal na datos ng QC epidemiology and surveillance unit, umabot sa 4,029,108 na inbidwal ang nabakunahan sa unang araw ng national vaccination day.


Mula sa naturang bilang, 1,908,843 na indibidwal ang fully vaccinated.

Nasa 2,095,914 individuals naman ang partially vaccinated.

Sa pediatric population, nasa 22.57% o katumbas ng 54,172 ang fully vaccinated. habang 179,426 ang partially vaccinated.

Naitala naman sa 24,351 ang tumanggap ng booster shots.

Facebook Comments