Bayanihan, Bakunahan part 4, ilulunsad sa Marso

Magkakaroon muli ng panibagong national vaccination day part 4 sa Marso.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na prayoridad nilang mabakunahan ang mga nasa A2 category o mga senior citizens.

Gayundin ang mga dapat mabigyan ng booster dose.


Base aniya sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC) mayroon pang 23 milyon ang dapat na maturukan ng booster dose.

Sa ngayon aniya ay nasa 28% pa lamang ng eligible population ang nabigyan ng booster shot.

Nakikipag-ugnayan narin sila sa mga Local Government Units upang mapalakas ang house to house vaccination campaign.

Facebook Comments