DOH, nakapagtala ng higit 1,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 1,745 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 1,534 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 657, 342 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 55,079 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 2,045 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3, 546,098 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 56,165 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 188 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 22 habang may tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments