Ligtas na sa banta ng red tide toxin ang mga shellfish products mula sa baybayin ng Bolinao at Anda, Pangasinan base sa pinakahuling shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ngayong Hunyo.
Nangangahulugan ang abiso na maaari nang magpatuloy ang harvesting at consumption ng shellfish products sa mga naturang bayan matapos ang ilang buwang tigil operasyon ng mga magsasaka at supplier.
Ayon sa unang abiso ng tanggapan, bahagyang humaba ang ban sa harvest at konsumo sanhi ng hindi pang-karaniwang high temperatures sa mga baybayin dahilan upang alalayan ng tanggapan ang apektadong fisherfolks.
Unang idineklara na positibo sa red-tide toxin ang baybayin ng Bolinao at Anda noong April 10. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









