BBL at tax reform bill, sesertipikahang urgent ni P-Duterte

Manila, Philippines – Sesertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang Bangsamoro Basic Law at ang panukala na magaamiyenda sa pagbubuwis ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kagabi ay tinalakay sa naganap na Legislative Executive Development Advisory Council meeting 4 na panukalang batas na isusulong ng administrasyon.

Inaprubahan aniya ni Pangulong Duterte na gawing urgent bill para mas mabilis na makalusot sa kongreso ang proposed Bangsamoro Basic Law at Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act.


Kabilang din naman aniya sa napag-usapan ay ang pagamiyenda sa government procurement act at pagbuo sa Department of Housing and Urban Development.

Natapos naman aniya ang LEDAC meeting pasado 7 ng gabi.

Facebook Comments