BBL | Mga kongresista sa Mindanao, nagbantang kakalas

Nagbanta ang mga kongresista mula sa Mindanao na kakalas sa liderato ni House Speaker Pantaleon Alvarez kapag nanaig ang bersyon ng Kamara sa Bangsamoro Basic Law (BBL) sa huli.

Ayon kay Tawi-Tawi Representative Ruby Sahali, pinuno ng house committee on peace and reconciliation, posibleng bawiin ng may 50 Mindanaoan congressmen ang kanilang suporta kay Alvarez.

Aniya, bago aprubahan ang BBL sa Kamara ay nanganib ang liderato ni Alvarez.


Kabilang sa hindi pinagkakasunduang probisyon ang pagpayag ng pagkakaroon ng limang plebesito mula sa ratipikasyon ng BBL sa loob ng 25 taon.

Ang 25 taon na palugit ay dapat sana ay improvement sa BBL pero nagdulot ito ng pangamba na mauwi sa creeping expansion ng Bangsamoro region.

Facebook Comments