BBL | Panukalang Bangsamoro Basic Law, 99% tapos na – Sen. Zubiri

99% ng tapos ang panukalang Bansamoro Basic Law (BBL).

Ito ang tantya ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kasabay ng pagsalang ng panukala sa bicameral conference committee.

Ani Zubiri, malapit nang matapos ang ang pinagsamang bersyon ng Kamara at Senado sa BBL.


Aniya, may mga pinaplantsa na lamang ang komite sa panukalang batas.

Hindi aniya dapat ito minamadali dahil magsisilbi itong saligang batas.

Siniguro rin ni Zubiri na wala silang maling nailagay sa panukalang BBL, at naaayon it sa saligang batas.

Facebook Comments