Nanguna si Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc.
Aabot sa 51.9 percent ang nagsabing nais nila si Marcos na maging pangulo ng bansa.
Ito ay mas mataas ng 2.6 percent mula sa 49.3 naunang survey ng Publicus Asia Inc. noong 3rd quarter.
Sumunod sa kaniya si Vice President Leni Robredo na mayroong 20.2 percent, Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno na mayroong 7.9 percent, Senator Christopher “Bong” Go na mayroong 3.9 percent, Sen. Panfilo “Ping” Lacson na mayroong 3.4 percent at Sen. Manny Pacquiao na mayroong 2.3 percent.
Sa pagka bise-presidente naman, 54.8 percent sa mga respondent ang nagsabing nais nilang maging ikalawang pangulo si Sara.
Sinusundan siya ni Dr. Willie Ong na mayroong 11.2 percent, Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may 11 percent at Sen. Kiko Pangilinan na mayroong 9.7 percent.