Nasa 100-porsyento nang okupado ang mga kama sa Ospital ng Paranaque District 1 at District 2.
Ayon kay Dr. Jefferson Pagsisihan, Director ng Ospital ng Parañaque, nasa 40 na bed capacity ang inilalaan nila para sa mga COVID-19 patient.
Ang mga nasabing kama ay inilaan nila para sa mga pasyenteng may mild hanggang severe cases na ina-admit sa mga nasabing hospital.
Habang 50 kama naman ang inilaaan ng Ospital ng Parañaque District 1 para sa mga pasyenteng may ibang karamdaman.
13 dito ang nasa Emergency Room; 16 sa OB-Gyne ward; 9 sa Surgical Ward at 12 sa Pediatric Ward.
Sinabi pa ni Dr. Pagsisihan na dahil sa punuan na ang mga kama sa ospital, nasa waiting list pa rin hanggang sa ngayon ang ibang pasyente na naghihintay na magkaroon ng bakanteng kama.
Sa ngayon ang Lungsod ng Parañaque ay mayroong 1,269 na active cases, 372 ang namatay, 16,685 ang kumpirmadong kaso at pumalo naman sa 15,044 ang nakarekober sa COVID-19.