Dalawang lalaking drug pusher, arestado sa buy bust operation

Timbog ang dalawang lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na gamot sa Lungsod ng Makati matapos ikasa ang buy bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Simon King De Leon, alyas “Duling”, 37-anyos at Nestor Sanding, 49-anyos, parehong residente ng Makati City.

Nakuha mula sa kanila ang anim na gramo ng umano’y shabu at nagkakahalaga ng P40,800.


Batay sa ulat ng Makati Police, ginagawa ang masabing operasyon sa kahabaan ng Constancia Street, Barangay Olympia, ng nasabing lungsod pasado alas-2:50 ng hapon kahapon.

Matapos mabilhan ang mga suspek ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P500 ng isang pulis na nagpanggap bilang
poseur buyer.

Nakakulong na ang mga suspek sa Makati PNP Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments