BEEKEPING PROGRAM SA ILOCOS REGION, NILAANAN NG P1.5M NA KARAGDAGANG PONDO

Target pang palawakin ang pagpaparami ng queen bees o bubuyog sa Ilocos Region bilang suporta sa kabuhayan ng mga growers sa rehiyon.

Sa ilalim ng National Livestock Program, naglaan ng P1.5 milyong pondo ang Department of Agriculture upang palakasin ang industriya ng pag-aalaga ng bubuyog.

Ang pondo ay inilaan para sa proyektong “Bee-Cause We Care: Buzzing Forward for Beekeeping Sustainability in Region I through Queen Bee Production,” na layong magtatag ng queen rearing facility sa mga estratehikong lugar sa rehiyon. Sa pamamagitan nito, mapapalakas ang produksyon ng mated queen bees na magsisilbing suporta sa mga lokal na beekeeper.

Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagtaas ng produksyon ng pulot-pukyutan at sa pag-angat ng kita ng mga beekeepers, kasabay ng pagtataguyod ng pangmatagalang pagpapaunlad ng beekeeping industry sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments