Beermen at TNT, pasok sa semifinals!

Pasok na sa semifinals ang San Miguel Beermen matapos makalusot sa NorthPort Batangpier, iskor 90-88 sa PBA Commissioner’s Cup.

Naghari ang 31 points at 11 rebounds ni Chris McCollough, kung saan sinabi niya isang “quality” na laro ang kailangan.

Nakahabol naman ang TNT KaTropa at tinalo ang Alaska Aces, 104-93 sa kanilang do-or-die game sa quarterfinals.


Bida player si Troy Rosario na nagligtas sa KaTropa matapos kumamada ng 20 points.

Sabi ni Troy, naging ‘relax’ lang sila sa kanilang laro.

Makakaharap ng TNT sa semifinals ang Barangay Ginebra.

Facebook Comments